Kinilala ni P/Supt. Voltaire Calzado, police director, ang biktimang si Isaias Manano, 23, residente ng naturang lungsod at chairman din ng Mindoro Contingent Fact Finding Committee sa pagsisiyasat sa paglabag sa karapatang pantao.
Si Manano ay pinagbabaril sa ulo at katawan dakong alas-10 ng gabi habang naglalakad, kasama ang kaibigang si Guillermo Coz, malapit sa bahay ni Calapan City vice-mayoral bet Bojie Ignacio.
Agad na namatay si Manano, samantalang si Coz ay nakatakbo papalayo at naipagbigay-alam sa pulisya ang insidente.
Sa panayam naman ng dzBB kay New Peoples Army spokeman Rogelio "Ka Roger" Rosal, ilang saksi sa insidente ang nakakilala sa gunman na miyembro ng Armys 204th Infantry Brigade.
Pinabulaanan naman ni Army Colonel Fernando Mesa, commander ng 204th IB at nagsabing kagagawan ng NPA rebels ang krimen upang ibintang sa militar.
Ayon sa nasabing partylist, si Manano ay ika-42 biktima ng militar sa Mindoro at ikatlo sa kasapi ng Anak-Pawis kasunod sina: Adrian Alegria noong Pebrero 18, 2004 sa Sta. Cruz, Mindoro at Edwin Mascariñas noong Abril 14, 2004 sa Sitio Malasiqui, Occidental Mindoro. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)