Pulis nilikida ng NPAs

CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 41-anyos na kagawad ng pulisya ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nagmomotorsiklo sa panulukang kalsada ng Soriano St., at Ilococs/Abra road na sakop ng Banna, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon. Labingwalong tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni SPO2 Apolinario Dinong ng Baragany 3, Lorenzo, at nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Banna. Base sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang harangin ang motorsiklo ng biktima ng mga armadong rebelde saka pinaulanan ng bala ng malalakas na kalibre ng baril na ikinasawi nito. Ayon pa sa ulat, bago tumakas ng mga rebelde ay tinangay pa ang service firearm ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments