2 dinedo ng pirata

CAMP AGUINALDO – Dalawang mangingisda ang kumpirmadong pinatay ng mga armadong pirata makaraang matagpuan ang mga biktima sa magkahiwalay na lugar na sakop ng Sultan Kuradat at Sarangani kamakalawa. Ang bangkay ni Christopher Cariñosa, 35, ng Brgy. Tubalan, Malaita, Davao del Sur ay natagpuan sa dalampasigan ng Brgy. Malisbong, Sultan Kudarat. Samantalang ang bangkay naman ni Marcelino Kabaya ay nadiskubre sa sariling bangka sa karagatang sakop ng Brgy. Colonsabat, Maasim. Ayon sa ulat, ang dalawang biktima ay tinadtad ng bala ng malalakas na kalibre ng baril habang pinaghahanap naman ng pulisya ang may-ari ng bangka na si Lucring Generalao na pinaniniwalaang binihag ng mga pirata. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments