Kabilang sa kinidnap ng mga rebelde ay nakilalang sina: Jiabong Mayor Clarita Gabieta, kandidato sa ikatlong termino nito bilang alkalde; re-electionist vice mayoralty candidate Armingol Cabubas Jr. at walong kandidatong konsehal na sina: Oscar Abonales, Emiliani Brazil, Placido Jabies, Luisito Jabonero, Sixto Hernandez, Marvin Labong, Reynaldo Limbanan at Hermigildo Mabutin.
Base sa impormasyon nakalap ni Police Chief Inspector Gaudencio Vivencio, ang mga biktima na may bilang na 30 kabilang na ang kanilang tauhan ay bihag pa rin ng mga rebelde.
Ayon naman kay Samar PNP provincial director Senior Supt. Conrado Calvario, ang bayan ng Jiabong ay kilalang kontrolado ng CPP/NPA sa pamumuno ni Kumander Arnulfo Ortiz na naunang humingi sa kampo ni Gabieta ng P.5 milyon bilang kabayaran sa permit-to-campaign (PTC), subalit aabot lamang sa P.2 milyong ang naibigay ng kampo ni Mayor Gabieta.
Dito na nagdesisyon ang pamunuan ni Kumander Ortiz ng CPP/NPA na kidnapin ang buong tiket ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) habang nangangampanya sa nabanggit na barangay.
Inamin naman ni Vivencio na ang kanyang mga tauhan ay naninirahan simulan ang imbestigasyon dahil na rin sa kawalan ng koordinasyon ng pamilya ng mga biktima.
Magugunitang noong Marso 25 ay nagbabala na si Fr. Santiago Salas, NDF spokeman sa nabanggit na rehiyon na kinakailangan magbayad ng PTC ang sinumang kandidato kapag nangangampany sa mga lugar na sakop ang grupong maka-kaliwa.
Ayon sa huling ulat, pinalaya na ang buong tiket ng LDP matapos magbayad ng PTC sa mga rebelde. (Ulat nina Miriam Garcia at Joy Cantos)