Nanuntok ng kapwa pulis,niratrat

CAMP CRAME – Isang kagawad ng pulisya na nakatalaga sa 6th Regional Mobile Group (RMG) ang kumpirmadong napatay makaraang pagbabarilin ng kapwa pulis na sinapak ng biktima sa panulukan ng Barmejo at Gen. Martin Delgado Street, Sta. Barbara, Iloilo kamakalawa.

Idineklarang patay sa West Visayas Medical Center ang biktimang si PO1 Noel Penequita matapos na upakan ng suspek na si PO1 Danilo Corpuz na nakatalaga naman sa himpilan ang pulisya ng Sta. Barbara at agad naman sumuko.

Base sa ulat, ang insidente ay naganap bandang alas-2 ng madaling-araw makaraang sapakin at sipain ng biktima ang suspek.

Napag-alaman pa sa ulat, na nainsulto ang biktima sa sinabi ni Corpuz tungkol sa pag-iingay kaya pinagbuhatan nito ng kamay ang suspek.

Dahil sa kahihiyang inabot ng suspek ay nagbunot ito ng baril bago pinaputukan ang biktima hanggang sa duguang bumulagta. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments