Mag-ama tinodas ng NPA

CAVITE – Pinaniniwalaang pagkalas sa samahang makakaliwang kilusan ang naging dahilan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-ama ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa loob ng sariling bahay sa Sitio Putol, Barangay Pulong Bunga, Silang, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina: Eddie Durante at Eddielyn Durante. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na bandang alas-8:30 ng gabi nang pasukin ng mga rebelde ang bahay ng mag-ama saka isinagawa ang pamamaslang, subalit naniniwala naman ang mga awtoridad na nadamay lamang ang batang babae dahil sa magkatabi ng tulugan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments