Ito ang pahayag ng isa sa mga kandidatong konsehal na napilitang nagsalita matapos na ipagtabuyan ng mga rebelde habang nagsasagawa ng campaign rally dahil hindi nagbayad sa mga rebeldeng NPA ng PTC at PTW.
Dahil sa kagustuhang makapangampanya ng konsehal ay nagbayad na rin ng P10,000 para sa PTC (berde) at P15,000 naman para sa PTW (dilaw) ang pinsang Tsinoy ng konsehal na tumangging ipabanggit ang pangalan.
Isa ring kandidato sa pagka-gobernador ang nagbayad na sa mga rebelde upang hindi maabala sa pangangampanya at ligtas sa anumang uri ng pananakot na isasagawa ng mga rebeldeng NPA.
Wala namang nagawa ang tropa ng militar at pulisya sa isiniwalat ng mga kandidato, maliban sa muling paalala na kailangang humingi ng tulong sa mga awtoridad para mabigyan ng escort ang mga nangangampanyang kandidato sa mga liblib na bahagi na kanilang papasukin. (Ulat ni Ed Casulla)