Vendor itinumba ng sariling bayaw

TAYTAY, Rizal – Dahil sa kakulitan ay napatay sa saksak ng patalim ang isang senglot na vendor ng sariling bayaw sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro, Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi. Sampung saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Ricky Tisosoy, 30, ng Sitio Bayabas, samantalang agad naman sumuko ang suspek na si Elmer Hebo, 32, matapos na isagawa ang krimen dakong alas-7 ng gabi. Sa pagsisiyasat ng pulisya, senglot na dumating sa kanilang bahay ang biktima at kinulit ang suspek hanggang sa magkainisan. Dito na kumuha ng patalim ang suspek at sunud-sunod na inundayan ng sampung tusok ng patalim ang biktima na ikinasawi nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments