2 tinedyer dedo sa road mishap

ANTIPOLO CITY – Dalawang tinedyer ang iniulat na nasawi makaraang pumasok sa ilalim ng military truck ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa kahabaan ng Marcos Highway na sakop ng Barangay Inarawan ng nasabing lungsod kamakalawa ng gabi. Halos malasog ang katawan ng mga biktimang sina Joseph Cural, 13; at John Reyes, 17, na kapwa residente ng Sitio Gumamela, Brgy. St. Cruz, Antipolo City.

Agad namang sumuko ang drayber ng truck (SGK-266) na si PFC Albert Camate, 27, ng AFP Logistic Command. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na tinangkang mag-overtake ng dalawang biktimang naka-motorsiklo sa sinusundang trak, ngunit nadulas ito kaya nagtuluy-tuloy sa ilalim ng sasakyan na ikinasawi ng mga biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments