Kinilala ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, ang mga nasakoteng suspek na sina Kasir Ibrahim, alyas Hamid, estudyante ng napaslang na si dating ASG Chieftain Abdurajak Abubakar Janjalani, Nasser Hapilon, isa sa mga Sub-Commander ng ASG at nakatatandang kapatid naman ni ASG Commander Isnilon Hapilon; Jupikar Abdulhasar at Junadil Abdulhar.
Sinabi ni Lucero, na si Ibrahim ay may nakabimbing warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 ng Isabela City sa kasong kidnapping at serious illegal detention, habang si Nasir ay sangkot naman sa ibat ibang kasong kriminal.
Ayon pa kay Lucero, ang mga suspek ay nasakote ng mga elemento ng Phil. Marines Intelligence Units dakong alas-11:45 ng umaga sa pantalan ng Zamboanga City.
Nabatid na kabilang sa mga kasong kinakaharap ng apat ay ang pagdukot sa mahigit 50 guro at estudyante sa bayan ng Tumahubong at Sumisip, Basilan noong Marso 20, 2000 sa naganap na hostage crisis sa lalawigan.
Inihayag ng opisyal na kasalukuyan pa nilang inaalam ang pakay ng ex na Sayyaf sa bansang Malaysia.
Wala namang nasamsam na eksplosibo sa mga bandidong nasakote na ngayoy patuloy na sumasailalim sa masusing tactical ingerrogation ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)