Kinilala ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, ang napatay na biktima na si Abedin Sarudson, 40, municipal councilor sa bayan ng Parang.
Ang biktima ay pinagbabaril dakong alas-8 ng umaga sa mismong bayan ng Parang na kabilang sa hot spots sa pagdaraos ng nalalapit na May 10 elections.
Magugunita na nitong nakalipas na Enero 4 ay 22 inosenteng sibilyan ang nasawi habang mahigit naman sa 80 katao ang nasugatan kabilang si Mayor Vivencio Bataga matapos na sumabog ang itinanim na bomba sa Sports Complex ng Parang.
Samantalang kapwa naman ipinag-utos ng liderato ng AFP at PNP na masusing imonitor ang mga lugar na potensiyal na hot spots upang paigtingin pa ang intelligence operations upang mapigilan ang pagsiklab ng karahasan kaugnay ng nalalapit na halalan.
Base sa rekord, umaabot na sa 45 katao ang napapaslang habang 100 naman ang nasugatan makaraang magsimula ang campaign period para sa national candidates nitong Pebrero 10. (Ulat ni Joy Cantos)