Sekyu tinodas ng 3 kabaro

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinaniniwalaang unahan sa paggamit ng palikuran kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang security guard ng tatlo nitong kasamahang guwardiya habang ang biktima ay naglalakad sa loob ng subdivision na sakop ng Barangay Kaybagal, Tagaytay City kamakalawa. Tinamaan sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ernie Antiazuela, 45, security guard sa ilalim ng Forefront Security Agency at nakatalaga sa Royale Pines View Subdivision sa nasabing lungsod.

Tinutugis naman ng pulisya ang tatlong suspek na sina Remy Beboso, Andrew Bondol at Carig Beboso. Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya, bago pa maganap ang krimen ay nagkainitan ang biktima at mga suspek tungkol sa paggamit ng palikuran na kalimitang nauunang gumamit ay ang biktima hanggang sa magkaisa ang tatlo na isagawa ang pamamaslang bago magkanya-kanyang takas sa hindi malamang direksyon. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments