Sa inisyal na ulat na tinanggap kahapon ni PDEA Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido Jr., ang nasabing kemikal ay pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu.
Nabatid na bandang alas-7 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng PDEA sa nasabing container port matapos na makatanggap ng impormasyon na ibabagsak ang mga kemikal sa naturang lugar.
Ayon pa kay Avenido, ang nasabing kemikal ay lulan ng container van ay nasabat ng mga awtoridad sa daungan.
Hindi naman ibinunyag ni Avenido ang pangalan ng nasabing Tsino maging ang pinanggalingan ng naturang kontrabando upang di mabulilyaso ang dragnet operations.
Patuloy namang inaalam ng PDEA ang halaga ng nasabing mga Ephedrine na maaring makagawa ng P4,500 milyong shabu. (Ulat ni Joy Cantos)