Misis pinatay ni mister

MACABEBE, Pampanga – Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang misis makaraang barilin ng sariling mister ang biktima dahil sa hindi pagkakaisa sa pinagtalunang kandidato kahapon ng madaling-araw sa Barangay Sto. Rosario, Macabebe, Pampanga.

Napuruhan sa sikmura ng bala ng baril ang biktimang si Rosalina Mañalac samantalang ang suspek na si Eliong Mañalac ay kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang mag-asawa ay magkaiba ang sinusuportahang kandidato sa pagka-gobernador kaya hindi nagkasundo hanggang sa maganap ang pamamaslang. (Ulat ni Pesie Meñoza)

Show comments