Spokeman ng NPA natodas

CAMP AGUINALDO – Muli na naman nalagasan ng opisyal ang grupo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang mapatay sa madugong engkuwentro laban sa tropa ng Army’s 17th Special Forces Company ang kanilang tagapagsalita sa Visayas Region tatlong araw na ang nakalilipas sa kagubatang sakop ng Catigbian, Bohol. Positibong kinilala ng mga kaanak ang napatay na opisyal ng NPA na si Silvino Clamucha, alyas Ka Bino. Bunga ng pagkakapaslang kay Clamucha, inatasan na ng pamunuan ng AFP at PNP ang kanilang mga tauhan na manatiling nakaalerto laban sa posibleng resbak ng mga rebelde. Karaniwang nagsasagawa nang sunud-sunod na pag-atake ang NPA kapag may napapatay sa kanilang opisyal. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments