Nagsasagawa na nang pagtugis ang tropa ng militar at pulisya para mailigtas ang mga biktimang sina Felix Abaño, dating bise alkalde at asawa nitong si Pilar Abaño na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Kinidnap din si SPO1 Edgar Igsoc matapos pasukin ang bahay nito dakong alas-7:30 ng gabi.
Sa imbestigasyon ng pulisya na isinumite kay P/Chief Supt. Jaime Lasar, Bicol police provincial director, magkakasunod na pinasok ng mga rebelde ang bahay ng mga biktima.
Ayo pa sa ulat, unang pinasok ang bahay ni P/Senior Insp. Francisco Casida subalit walang dinatnang tao kaya nagtuloy sa bahay ng dating alkalde at tirahan ni Igsoc kaya naganap ang insidente.
Tinangay pa ng mga rebelde ang baril na 9mm, handheld radio, dalawang cellphone, uniporme ng pulis at mahahalagang dokumento.
Hindi pa nabatid ng mga awtoridad kung ang bahay ni SPO2 Romeo Junio ay pinasok din ng mga rebelde dahil may nakakita na binabantayan ng grupo ng NPA rebels.
Patuloy naman ang operasyon laban sa mga rebelde upang mailigtas ang mga biktima na walang hinihinging ransom. (Ulat ni Ed Casulla)