Pulis itinumba ng NPA hitmen

Pinaslang sa harapan ng kaniyang asawa ang isang pulis ng dalawang armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng liquidation squad ng mga rebeldeng New People's Army (NPA) matapos itong pagbabarilin sa Calbayog City,Samar kamakalawa.

Dead on arrival sa Calbayog City District Hospital ang biktimang kinilalang si PO3 Edgardo Aniban ng Calbayog City Police Station dahil sa mga tama ng bala sa ibat -ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report,dakong alas- 7:45 ng umaga habang si Aniban ay nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo kasama ang kanyang asawa nang harangin ng dalawang lalaki at pagbabarilin.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungong sa bulubunduking lugar ng nasabing lungsod. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments