Ang biktimang nasa kritikal na kondisyon matapos na magtamo ng anim na saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Airene Ramirez, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
Samantalang ang suspek na agad nasakote ng pulisya ay nakilala namang si Alice Francisco, dating konsehala sa kanilang barangay at kapitbahay ng biktima.
Base sa imbestigasyon ni PO2 Joel Malinao, may hawak ng kaso, ganap na alas-11:30 ng gabi ng maitala ang panunugod ng suspek sa bahay ng biktima na nooy kasalukuyang pinatutulog ang kanyang anak.
Agad umanong pinagsisigawan ng suspek ang biktima na umanoy kinakalantari ang kaniyang asawa na nauwi sa pagsasagutan ng mga ito. Lingid naman sa kaalaman ng biktima ay may dala palang patalim ang suspek at hindi na nito nagawang ilagan pa ang sunud-sunod na saksak na iniunday nito laban sa kaniya.
Agad namang nasakote ang suspek habang mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima. (Ulat ni Cristina G. Timbang)