Lolo napisak sa trak

KAMPO SIMEON OLA – Isang 80-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang makabitiw at magulungan ng trak sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Pawili, Pili, Camarines Sur kahapon ng umaga. Nasawi sa sakuna ang biktimang si Florencio Antioquia ng Barangay Quinaban, Ocampo, Camarines Sur, samantalang ang drayber na agad naman sumuko a pulisya ay nakilalang si Avelino Cadag, 46 ng Brgy. Palestina, Pili, Camarines Sur. Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, ang biktima ay umangkas sa trak na may plakang PSW 927 at habang bumibiyahe ay biglang nakabitiw kaya naganap ang sakuna. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments