Simula noong Pebrero 19 hanggang 28, ang Operation Smile ay magtutungo sa Don Vicente Sotto Memorial Hospital sa Cebu City, Davao Medical Center Hospital, Davao City at Bicol Medical Center, Naga City para magsagawa ng operasyon sa mga batang (9-anyos hanggang 14) may cleft lip at palate deformities.
Noong nakalipas na taon ay aabot sa 550 bata ang nakatanggap ng libreng surgical treatment mula sa 117 Pinoy na manggagamot sa tatlong ospital.
"Childrens health has always been a priority for Ronald McDonald House Charities. Improving a childs health is one of the most direct ways to help improve a childs life," ani Ronald.
Dahil sa patuloy na programa ng RMHC na "Bahay Bulilit" ay magtatayo sila ng mga day care center sa ibat ibang komunidad sa bansa.