2 NPA dedo sa engkuwetro

CAMP AGUINALDO – Sinalakay ng mga New People’s Army (NPA) ang detachment ng militar na ikinasawi ng dalawang rebelde samantalang tatlo ang nasugatan kabilang ang dalawa sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan sa naganap na insidente sa Himamaylan City, Occidental noong linggo. Gayunman, kasalukuyan pang inaalam ng militar ang pagkakakilanlan ng mga napaslang na rebelde habang di muna tinukoy ang pangalan ng mga nasugatan. Ayon kay Col. Nestor Anonuevo, Operations Officer ng AFP Central Command, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang lusubin ng mga rebelde ang Army’s 61st Infantry Battalion na nakabase sa Brgy. Mahalang ng nasabing lungsod. Tumagal ang putukan ng may isang oras bago tuluyang nagsitakas ang mga rebelde. (Joy Cantos)

Show comments