Kandidato itinumba sa tindahan

CAMP CRAME – May posibilidad na politika ang motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 52-anyos na kandidato sa puwestong board member ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nasa sariling tindahan sa Barangay Abakid, Danglas, Abra kamakalawa.

Hindi binigyan ng pagkakataong mabuhay ang biktimang si Ceferino Calibag matapos na upakan ng mga armadong lalaki dakong alas-7:45 ng gabi sa kanyang tindahan. Ayon sa ulat, kasama ng biktima ang kanyang misis nang biglang lumapit ang mga killer saka isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments