Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMC) Chairman Felicito Payumo, ang proyekto ay maituturing na "total community" dahil kumpleto sa lahat ng pasilidad na kailangan para sa komportableng paninirahan ng 500 retirado at kanilang pamilya.
"Ang villa ay isang modernong komunidad tulad ng makikita sa Singapore at Hong Kong na pawang environment-friendly," ani Payumo.
Sinabi ni Jose Pobocan, pangulo ng Specified Contractors Inc., pinili nila ang Subic na pagtayuan ng proyekto dahil sa malilinis na paligid, walang polusyon at problema sa trapiko, ligtas at may mahuhusay at modernong pagamutan.
May ugnayan na rin ang SCI sa Philippine Real Estate Center sa Washington, D.C. sa Estados Unidos para sa promosyon na hihikayat sa mga retiradong Filipino-American doon.
Tiniyak ni Payumo na ang Subic Holiday Villas ay maihahalintulad sa isang maliit na komunidad sa US na may mga pasilidad na gaya ng swimming pools, library, mini-theater, medical clinic, entertainment centers at iba pang mga sports facilities. (Ulat ni Jeff Tombado)