Binawian ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Reiner Cruz ng 15 Telstart St., Village East Subdivision ng naturang lugar.
Tinutugis naman ang suspek na si PO2 Rogelio Hernando, kaibigan at kapitbahay ng biktima sa nabanggit na barangay.
Naitala ng pulisya ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa bahay ni Eleonor Aguillon sa 205 Village East Subdivision.
Ayon sa ulat, magkasamang nag-iinuman ang suspek at biktima sa bahay ng isang alyas Bong.
Dahil pawang lango na sa alak ay napagtripang suntukin ni Bong ang pamangkin ng suspek saka mabilis na tumakas.
Agad namang hinabol ng dalawa si Bong patungo sa bahay ni Aguillon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang bumukas ang bintana at dumungaw ang biktima.
Sa pag-aakalang kalaban si Cruz ay biglang pinutukan ng suspek sa kaliwang dibdib hanggang sa lumantad sa liwanag at nagulat na lamang si Hernando na kaibigan nito ang napuruhan.
Mabilis namang isinugod sa ospital ang biktima ng suspek bago tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Edwin Balasa)