SK chairman itinumba sa sayawan

KAMPO SIMEON OLA – Napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ang isang SK chairman ng adik sa bawal na gamot habang ang biktima ay nagsasayaw sa ginanap na party ng kapwa chairman sa Barangay Cadulawan, Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Bandang alas-11 ng gabi nang itumba ang biktimang si Herbert Aloquin, 18, ng Barangay Banco Palanas, Masbate. Agad namang tumakas ng suspek na si Dandy Tampus, 18, matapos na isagawa ang krimen. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang biktima, kasama ang ilang kabataan ay naimbitahan lamang sa ginanap na sayawan ng kapwa SK chairman. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments