Tatlo pa lamang sa mga namatay ang nakilalang sina Romeo Cabanban, 44, may -asawa, ng Northern Samar; at ang dalawang bata na sina Francisco Buban Jr., 2, ng Northern Samar at John Romeo Murillo, 5, ng Antipolo City.
Kasalukuyan namang inaawtopsiya sa Funeraria Pagbilao sa Lucena City ang labi ng apat pang namatay.
Ang walong pasahero na nagtamo ng mga kapinsalaan sa kanilang katawan ay ginagamot sa Quezon Memorial Hospital habang ang 29 ay naka-confine sa Jane County Hospital sa bayang ito.
Ayon kay P/Insp. Ernesto Ginauli, chief of police sa bayang ito, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw. Nagmula a Rawis Northern samar ang BLTB bus (CVW-141) na may body number 2008 at minamaneho ni Cabanban patungong Metro Manila nang mawalan ng preno ang sasakyan. Pagewang-gewang umanong tumakbo ang sasakyan hanggang sa bumulusok sa bangin na may 30 talampakan.
Sinabi ng mga nakaligtas na pasahero na sa Naga City pa lamang ay wala nang preno ang bus subalit ipinagwalang-bahala umano ito ng driver. (Ulat nina Tony Sandoval, Celine Tutor,Joy Cantos at Arnell Ozaeta)