Binata dinedo sa party

NUEVA ECIJA – Isang 23-anyos na binata ang kumpirmadong napatay makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang lalaki habang ang biktima ay dyumidyinggel sa labas ng bakurang pinagdarausan ng party sa Barangay Cadaclan, Pantabangan, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital si Ruel Bangit ng Brgy. Cadaclan, samantalang isa sa mga suspek na si Jayson dela Cruz ay agad namang naaresto ng nagrespondeng mga barangay tanod habang tinutugis naman si Rodel Huerta na tumakas matapos na isagawa ang krimen bandang alas-11 ng gabi kamakalawa. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments