Kinilala ng pulisya ang mga namatay na biktimang sina Aris Borjal at nakilala lamang sa pangalang Danny at Raymond.
Si Aris ay kamag-anak ng namayapa at kolumnista ng Philippine Star na si Art Borjal at miyembro ng Pastoral Council ng Our Lady of Good Voyage Parish.
Inoobserbahan naman sa St. James Hospital ang mga biktimang nasa malubhang kalagayan na sina Tonny Bustamante at Manny Santos na pawang manggagawa sa Ludge Hardware Bldg.
Base sa inisyal na imbestigasyon, naitala ang insidente dakong alas-11 ng gabi makaraang mag-overtake ang sasakyan ng mga biktima sa sinusundang dyip.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nawalan ng kontrol ang L300 saka nagtuloy sa palayan bago sumalpok sa poste ng Meralco. (Ulat ni Ed Amoroso)