Sinabi ni Dr. Edgar Garcia, hepe ng Sorsogon Provincial Health Office, may 91 sibilyan ang apektado ng nasabing sakit at 39 ang nilalapatan ng lunas sa ibat ibang ospital.
Napag-alamang naapektuhan ang 11 barangay sa nabanggit na lungsod at pinakamalaking bilang ng sibilyan ay mula sa Barangay Sampalok habang sinundan naman ng Barangay Cambulaga na may 18 sibilyan ang napuruhan.
Kabilang sa sinalantang lugar ng tigdas ay ang mga Barangay Cabidan, Tugos, San Isidro, Bibingcahan, Mahingan, Talisay, Sirangan at Burabod.
Ayon naman kay Maita Mortega, PHO Measles Surveillance Officer, ang mga nasawing residente na may edad isa hanggang 22-anyos ay mula sa Barangay Sampaloc, Cambulaga at Talisay.
Nagsasagawa na nang agarang lunas ang mga awtoridad para mapigilan ang patuloy na pananalasa ng sakit na tigdas sa mga nabanggit na barangay na posibleng kumalat sa karatig pook. (Ulat ni Ed Casulla)