Ex-NPA rebs itinumba

CAMP AGUINALDO – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating rebeldeng New People’s Army (NPA) ng kanyang dating kabaro habang ang biktima ay naglalakad sa Barangay Maligaya, Sta. Rita, Samar kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonio Tapac, 33 at sumapi sa Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na sakop ng Army’s 52nd Infantry Battalion sa Sitio Dao, Brgy. San Eduardo, Sta. Rita, Samar. Sugatan naman ang sibilyang si Alfredo Rafales matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril. May teorya ang pulisya na sinentensyahan ang biktima ng makakaliwang kilusan dahil sa ginawang kataksilang pagsapi sa grupo ng CAFGU. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments