Kinilala ang nasakoteng suspek na si Omar Ramalan alyas Commander Bagi-Bagi, residente ng Matanog, Maguindanao. Ang suspek ay nadakip ng mga elemento ng Armys 64th Infantry Battalion (IB) sa kahabaan ng Narciso Ramos highway sa bayan ng Matanog, Maguindanao.
Una rito, tinukoy ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr. na sina Parang Councilor Abdul Katab alyas Henry at Suharto Ahmad, itinurong utak at may-ari ng motorsiklong ginamit sa pambobomba.
Sa kasalukuyan, ayon sa mga opisyal ng PNP ay patuloy ang pagtugis kina Katab at Ahmad na kapwa ipinagharap na ng kasong multiple murder at multiple frustrated murder sa korte ng nasabing bayan.
Ayon sa sources sa Armys 603rd Brigade, ang suspek ay isinasailalim nila sa masusing imbestigasyon matapos itong madakip dahilan kamukha umano nito ang isa sa mga cartographic sketch ng mga salarin na sangkot sa madugong pambobomba kung saan kabilang sa mga nasugatan ang pinaniniwalaang target na si Parang Mayor Vivencio Bataga.
Nabatid na si Ramalan, ay isang masugid na supporter ng isang kandidatong alkalde sa kanilang lugar na mahigpit na kalaban ni Bataga na isang re-electionist. Si Bataga ay apat na beses ng pinagtangkaang ilikida ng kanyang mahigpit na karibal sa pulitika.
Sa panig ng militar, iginiit ni AFP Vice Chief of Staff at Spokesman Lt. Gen. Rodolfo Garcia na pulitika ang hinihinalang pangunahing motibo ng pambobomba habang hindi rin inaalis ang posibilidad na kagagawan ito ng mga teroristang grupo.Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni John Unson at Joy Cantos)