3 NPA rebs nalambat

RODRIGUEZ, Rizal – Tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nalambat ng puwersa ang militar at pulisya makaraang salakayin ang pinagkukutaan sa liblib na bahagi ng Barangay Macabud sa bayang ito kahapon ng madaling-araw. Nakumpiskahan ng apat na baril at pampasabog ang mga rebeldeng sina Mario Lonasco, Eduardo Sabia at Rolly Sanchez na pawang residente ng Sitio Calumpit ng nabanggit na barangay. Ang pagkakadakip sa tatlong rebelde ay bunsod ng impormasyong nakalap ng mga awtoridad sa nasabing bayan. Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang tatlo. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments