Pulis tinaga habang sinisilbi ang warrant of arrest

CAMP CRAME – Nagbuwis ng buhay ang isang kagawad ng pulisya makaraang pagtatagain ng isang akusado sa kasong attempted homicide habang isinisilbi ang warrant of arrest kamakalawa ng umaga sa Tarlac.

Halos nagkaputul-putol ang katawan ng biktimang si SPO2 Rolly Rosario y Afan, 40, ng Benguet provincial police office at residente ng BMI Compound, Baguio City.

Tumakas naman ang akusado na si Cristituto Doctor, kasama ang dalawang anak na sina Robert at Boy tangay ang baril ng biktima.

Nabatid na dakong alas-6:50 ng umaga nang magtungo si Rosario sa bahay ni Doctor sa Sitio San Pedro, Tarlac upang isilbi ang warrant of arrest ni Hon. Judge Eleanor Ventura de Jesus ng 1st Municipal Criminal Trial Court.

Agad na namataan ng pulis ang akusado ngunit nagawa siyang linlangin saka pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments