6 maninikwat ng riles tiklo

NUEVA ECIJA – Anim na kalalakihan ang inaresto ng pulisya makaraang maaktuhang naninikwat ng riles ng tren na pag-aari ng PNR sa Sitio Pulong Banal, Barangay Maturanoc, Guimba, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Raymundo Cabatbat, Rodolfo Acosta, Jimmy Cainglet, Mario Gragasin, Joselito Antonio at Honorio Mateo Jr. na pawang residente ng Barangay San Roque. Bandang alas-4:30 ng hapon nang dakpin ang mga suspek at narekober ang 14 na piraso ng riles na may taas na 14 na talampakan. Kinumpiska rin sa mga suspek ang ginamit na panghilang owner-type jeep na may plakang CDN-464 at tangke ng acetylene. Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng ibinigay na impormasyon ng mga residente sa pulisya. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments