KAMPO SIMEON OLA Isang 32-anyos na mister na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisp ang iniulat na nasawi makaraang mabaril ng pulis habang nagwawala sa Barangay North Poblacion, Juban, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.Hindi na umabot pa ng buhay sa Sorsogon Provincial Hospital si Daniel Macalya ng Barangay Embarcadero matapos na mabaril ng pulis habang tinataga si PO2 Edward Hebres. Ayon pa sa imbestigasyon, unang nagwala ang biktima sa compound ng pulisya bago nagtungo sa Juban Foundation School para maghamon ng away sa mga kabataan. Dito na humingi ng saklolo ang mga residente hanggang sa abutan ng pulisya na nanghahalibas ng itak sa mga kasalubong na residente. Tinangkang awatin ni Hebres si Macalye pero initak siya hanggang sa masapol sa katawan ang isa sa kasama ni Hebres.
(Ulat ni Ed Casulla) 15-taong kulong sa karnaper |
NUEVA ECIJA Hinatulan ng mababang korte ng 15-taong pagkabilanggo ang isang 36-anyos na lalaki makaraang mapatunayang nagnakaw ng traysikel noong Hulyo 25, 1999 sa San Isidro, Nueva Ecija. Sa desisyong nilagdaan ni Judge Rodrigo S. Caspillo ng Cabanatuan Regional Trial Court Branch 29, makukulong ng 15-taon si Cesar Antonio ng Barangay Malapit matapos mapatunayan sa korte na ninakaw nito ang traysikel ni Rogelio Diaz Sr. Base sa record ng korte, si Antonio ay pinatawan na rin ng korte sa kasong pagnanakaw ng traysikel ni Gerard Lozada pero narekober ng pulisya ang sasakyan sa Barangay Pulo, San Isidro matapos na isangla.
(Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana) Nasakote ng mga awtoridad ang isang 28-anyos na karnaper sa itinayong checkpoint sa South Luzon Expressway na sakop ng San Pedro, Laguna kamakalawa. tinamaan ng bala ng baril matapos na makipagbarilan sa pulisya ang suspek na si Roderick Bagsic ng Poblacion Lobo, Batangas. Narekober naman sa suspek ang Toyota Corolla (DSW-309) na pag-aari ni Antonio Gonzales ng Agustin Ville, Lawa, Calamba City, Laguna, pekeng CIDG identification card at kalibreng 38 paltik. Ayon sa ulat, ang pagkakadakip kay Bagsic ay bunga ng impormasyong nakalap ng pulisya sa pagkawala ng kotse ni Gonzales sa gasolinahan sa Barangay Parian. Calamba City. Dito na nagtayo ng checkpoint ang pulisya sa posibleng lusutan ng suspek hanggang sa makorner sa naturang lugar.
(Ulat ni Ed Amoroso)