Eskuwelahan pinasabog

CAMP CRAME – Pinasabog ang compound ng eskuwelahan ng mga rebeldeng Muslim kamakalawa sa Cantonement Area, Awang, Maguindanao kamakalawa. Wasak ang pintuan ng Camp Siongco National High School at naapektuhan ang mahahalagang dokumento matapos na sumabog ang itinamin na bomba. Wala naman naiulat na nasugatan o nasawi dahil na rin sa bakasyon ang mga estudyante. Hindi agad nabatid ng mga awtoridad ang motibo nang pagpapasabog sa nasabing eskuwelahan na naitala dakong alas-7:30 ng umaga. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments