Katiwala itinumba ng NPA

RODRIGUEZ, Rizal – Isang 38-anyos na katiwala ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang hindi magbigay ng revolutionary tax ang amo ng biktima sa Barangay Macabud ng bayan ito kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Benjamin Zaballa matapos na upakan ng may ilang ulit ng dalawang rebelde.

Napag-alamang nagtatanim ng punong buko ang biktima sa malawak na lupaing sakop ng Sitio Macabud Proper ng nabanggit na barangay nang lapitan ng dalawang armadong lalaki saka pinaputukan sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. May teorya ang pulisya na ang pagpaslang sa biktima ay upang ipaabot sa may-ari ang resulta ng hindi pagbibigay ng revolutionary tax. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments