Trike vs van: 4 kritikal

CAVITE – Apat-katao ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng van ang sinasakyang traysikel ng mga biktima sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay San Roque, Naic, Cavite kahapon. Ginagamot sa San Lorenzo Hospital ang mga biktimang sina Sharon Sapida, 21, ng Blk. 5 Lot 24 Villa Apolonia; Rolly Mahilom, 21, Jeffey dela Vida, 23, at Arnel Romero, 20, na pawang residente ng Barangay Sapang, Ternate, Cavite.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang drayber ng L-300 van na may plakang PTH-157 na si Mario Santos ng Ortigas Avenue, Pasig City. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments