CAFGU itinumba ng NPA

KAMPO SIMEON OLA – Isang 60-anyos na kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nakikidalamhati sa anibersaryo ng kamatayan ng kanyang kaibigan sa Barangay Panganiban, Gubat, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Hindi na nasaklolohan pa ng kanyang mga kapitbahay si Anatolio Enorme na nakabase sa Sitio Balig-an, Brgy. San Isidro, Gubat, Sorsogon. Isa sa mga rebelde ay positibong kinilala na si Dennis Encinares ng Brgy. Poblacion, Castilla, Sorsogon na naging rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments