Nagtalo sa politika, 1 patay

MAUBAN, Quezon – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng kaibigang magsasaka rin makaraang magtalo tungkol sa estado ng politika sa Barangay Liwayway ng bayang ito kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Lucas Ursulino, 43 ng Sitio Busal, Brgy. Ibabang Palale, Tayabas, Quezon. Nadakip naman ang suspek na si Arnold Urgeles, 32. Napag-alaman sa ulat ni PO3 Vilmor Abang, naitala ang krimen dakong alas-4 ng hapon habang nag-iinuman ng alak ang dalawa hanggang sa mairita ang suspek sa tinuran ng biktima tungkol sa estado ng politka. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments