Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Tolentino, nakilala ang mga biktimang sina Nhelian Arellano, Jimmy Gloriano, Eduardo Macayayong at Virgilio Fortuna, samantalang malubhang nasugatan naman si Rodolfo Alfonso na agad isinugod sa malapit na ospital.
Base sa ulat, sinusuyod ng mga biktima ang kagubatang bahagi ng nasabing lugar para dakpin ang grupo ng illegal loggers matapos na makatanggap ng ulat na may umaaligid na armadong kalalakihan na may dalang chainsaw.
Habang tinatahak ng mga biktima ang nabanggit na bahagi ng barangay ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok.
Agad na bumulagta ang apat habang kritikal naman si Alfonso sa tinamong maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nagsagawa na nang malawakang pagtugis ang mga tauhan ng 304th Police Mobile Group at 24th Infantry Battalion ng Phil. Army. (Ulat ni Raffy C. Viray)