2 patay sa road mishap

CAVITE – Magkasabay na kinalawit ni Kamatayan ang magka-live in partner makaraang tumaob ang sinasakyang traysikel saka nasalpok nang rumaragasang na sasakyan sa kahabaan ng Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Omar Oniante, 18 at Eliza, 20 na kapwa residente ng Phase 5 Block 2 Lot 3 City Homes Subdivision ng nabanggit na barangay. Naitala ng pulisya ang aksidente bandang alas-6:30 ng gabi matapos na mabundol nang minamanehong traysikel ng mga biktima ang malaking tipak ng bato. Ayon sa ulat na tumilapon papalabas ng traysikel ang dalawa bago nasagasaan ng hindi nabatid na sasakyan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments