7-katao tiklo sa buy-bust

CAMP AGUINALDO – Nalambat ng mga awtoridad ang pito-katao kabilang na ang isang pulis sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Barangay North Laud, Siasi, Sulu. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Amrousi Julkamain, PO3 Benhar Hassanbasa, Bernadette Julkamain, Ahajul Anni, 28; Abdulla Kiran, 27; Saidal Abdul, 30, at Lagayan Hapi, 41. Naitala ang operasyon bandang alas-9 ng umaga matapos na maaktuhan ng pinagsanib na puwersa ng Siasi police station at 10th Marine Battalion Company ang mga suspek na nagbebenta ng bawal na droga. Nakumpiska sa mga suspek ang M-16/M14 rifles, mga bala, P28,068.94 cash, iba’t ibang denominasyon at hindi pa nabatid na gramo ng shabu. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments