Kabilang sa 49 labi ay 43 lalaki, tatlong babae at tatlong bata na pinaniniwalaang naging biktima ng summary execution at walang makuhang pagkikilanlan dahil sa walang kamag-anakan.
Ayon sa ulat, bandang alas-10 ng umaga nang magkakasabay na inilibing ang 49 bangkay at inilagay sa 28 kahoy na kabaong.
Napag-alaman pa sa ulat na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng P186,200 para maipalibing ang 49 bangkay. (Ulat ni R.G. Antonet A. Go)