Dead on the spot sa insidente ang biktimang kinilalang si Ramil Misal at sugatan naman ang kaniyang kapatid na si Ronnie. Nakilala naman ang kasamahan ng mga itong hunter na mabilis na nakatakas na si Jun Echipare.
Batay sa ulat ng tanggapan ni Army Chief Major Gen. Efren Abu, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa magubat at bulubunduking bahagi ng Bungao, Brgy. Pangolingan, Palauig ng lalawigang ito.
Nabatid na nasa kahimbingan ng pagtulog ang mga biktima sa loob ng ginawa ng mga itong tent matapos na mapagod sa paghahanap ng mina ng ginto sa nasabing kagubatan nang gisingin ng mga armadong rebelde na agad ang mga itong pinalibutan.
Hinihingan umano ng kabayaran ng mga rebelde ang mga biktima sa paghahanap ng mga ito ng kayamanan sa nasabing kagubatan at ng wala ang mga itong maibigay ay pinaalis matapos na ilang oras na pigilan hanggang sa paiwan ang isa sa mga behikulo ng mga ito.
Gayunman habang papaalis na ang mga biktima ay pinagbabaril ang mga ito ng isa sa mga rebelde gamit ang isang mahabang armas. Narekober naman ng mga elemento ng Armys 24th Infantry Battalion (IB) ang sasakyan ng mga biktima at mga kagamitan sa pagmimina sa isinagawang operasyon sa lugar. (Ulat ni Joy Cantos)