Jailbreak: 7 preso pumuga

CAMP CRAME – Aabot sa pitong preso na may mga kasong pagnanakaw at pagtutulak ng bawal na gamot ang iniulat na nakapuga mula sa piitan ng Sta. Ana, Davao City makaraang lagariin ang rehas na bakal kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang mga presong sina Mark Maraya, Leonardo Gomez, Mark Jun Lacada, Ramil Dalumpines Polan, Rodolfo Laput Gavino Jr., at dalawang nakilala sa alyas na Bunog at Erick.

Samantalang sinimulan na ang imbestigasyon laban sa mga guwardiyang nagpabaya sa kanilang tungkulin kaya nakapuga ang mga preso para sampahan ng kaukulang kaso.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang jailbreak matapos na ipagbigay-alam ng isang security guard sa Magsaysay Park kay SPO2 Joel Banosan na magkakasunod na lumundag ang mga preso sa bakod ng bilangguan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments