Sinabi ni P/Supt. Edgar Layon, chief of police, ang panloloob ay naganap bandang alas-2:30 ng hapon sa opisina ni Bishop Emilio Marquez.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na may dumating na hindi kilalang lalaki sa opisina ng nasabing obispo na nagpanggap na Brother Arsenio at hinahanap si Bishop Marquez.
Ayon pa sa pulisya, sinagot naman ng janitor na si Arcadio ang nagpakilalang lalaki na natutulog ang obispo pero sumagot ito na maghihintay na lamang sa opisina ng naturang obispo hanggang sa magising.
Tiwalang binayaan naman si Arcadio na maghintay sa opisina ng obispo ang nagpanggap na Brother pero lingid sa janitor ay binubuksang isa-isa ang tukador hanggang sa limasin ang nasabing halaga saka tumakas sa likurang bahagi.
Napag-alaman pa sa pagsisiyasat ni SPO1 Raul Avilla, nadiskubre lamang ang pagnanakaw nang magising si Bishop Marquez at makita ang bukas na mga tukador at nagkalat na gamit sa opisina. (Ulat ni Tony Sandoval)