2 dedo sa road mishap

NUEVA ECIJA– Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang masalpok ng pampasaherong bus ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Tabuating, San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Ilang metrong tumilapon kaya namatay sina Ferdinand Reyes, 30 at Rogelio Dela Cruz, 29, kapwa residente ang Barangay San Roque, Jaen, Nueva Ecija. Samantalang sumuko naman ang drayber ng Baliwag Transit Bus (CVR-195) na si Emmanuel Ramos ng San Ildefonso, Bulacan matapos na masalpok ang motorsiklo (DN-4748) ng mga biktima dakong alas-8:30 ng gabi. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments