Sa naantalang ulat mula kay P/Chief Supt. Danilo Flordeliza, chief ng Phil. Drug Enforcement Agency-CAR, bineberipika pa sa German embassy kung ang suspek na si Marco Philippie Rauol Brunlingerr, 18, ay anak nga ng consul.
Base sa ulat ng PDEA-CAR, si Marco, kasama ang kanyang nobyang Spanish mestisa na si Kly Sherre Palaganas Caballera, 18, ay naaktuhan ng mga awtoridad na nagbebenta ng 2.1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,300.
Ang dalawa ay inilipat na ng Baguio City Jail bago mag-Undas matapos na sampahan ng kaukulang kaso sa City Prosecutors Office.
Kasunod nito, inaresto naman ng PDEA si Arnulfo Lopez Pangandaman, 31, may asawa ng 120 Pinewood St., Crystal Cave, Central Bakakeng makaraang makumpiskahan ng 0.9 gramo ng shabu na tangkang ipagbili sa nagpanggap na poseur buyer na pulis. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)