Dinala sa Cotabato Regional and Medical Hospital ang mga biktimang sina Elpidio Palolong, 51; Rosalinda Pasinlan, 30; Reynaldo Torebaya, 30; Edna Baroy, 43 at Noel Mangisay, 20 na pawang residente ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat na isinumite kay Lt. Col. Daniel Lucero, AFP-PIO chief, bandang alas-7:45 ng gabi nang hagisan ng granada ang harapang pintuan ng nabanggit na simbahan na matatagpuan sa pagitan ng petshop at panaderya sa panulukan ng Makakua St. at Quezon Avenue, Cotabato City.
Tinamaan naman ng shrapnel ang mga biktima na naglalakad sa harapan ng nasabing simbahan habang ang iba naman ay nagpulasan at nagkaroon ng matinding tensyon ang mga residente na nakatira sa paligid ng simbahan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng 6th Explosive Ordinace Division ng 6th Infantry Division at Cotabato City PNP para magsagawa nang masusing imbestigasyon.
Mariin namang sinabi ni Lucero na walang kinalaman sa terorismo ang naganap na pagsabog kundi kagagawan ng mga extortionist na hindi nabigyan ng malaking halaga kaya isinagawa ang pagpapasabog.(Ulat ni Joy Cantos)